Facebook
Section 17.2.17

leriboy:

Possession or use of prohibited drugs, such as LSD, marijuana, heroin, shabu, or opiate of any kind.

srsly? akala yata ng school namin mayaman mga estudyante nila. Shabu lang kayang bilhin ng mga yan noh! pero kdot. Maayos naman mga tao sa school namin eh. yeah! proud PUPian. haha 

PUP Sta. Mesa~

foreveryourmelody:

Okay. Obviously, dito rin ako nag-aaral. So magbibigay ako ng kung anong meron sa paaralan na ito at ilang tips para makasurvive mga freshy dito.

3 P’s. Payong. Pamaypay. Panyo. Ito talaga ang mga bagay na dapat hindi mo maiwan sa inyo. Kung mabilis kang pawisan at conservative ka sa balat mo, kakailanganin mo yan araw-araw. Bonggang protesyon yan laban sa bonggang init, bonggang ulan, at bonggang pawis. Nagpapanatili yan ng fresh look sayo.

Wag mahihiyang magtanong. Nung una kong pasok sa aming sintang paaralan, naligaw talaga ako. At yang skill na yan ang ginamit ko. Wag ka mahiyang magtanong, kasi lahat ng tao dyan, madaling lapitan. Kahit sinong tanungin mo dyan, sasagutin ka naman ng matino. Walang snabero’t snabera dyan. Kung natyempuhan mo kong tanungin sa free time ko, ihahatid kita sa hinahanap mong lugar. Pero mas mabuting sa guard ka na agad magtanong para sure ka.

Biglang lapit at makikipag-usap. Alam kong pers taym mo dun, pero sinasabi ko na agad sayo na wag kang matatakot sa mga taong biglang lalapit sayo at kakausapin ka. Ilan dyan yung mga myembro ng isang organisasyon, mga aktibistang ibabahagi sayo ang mga hinanaing nila tungkol sa budget at sistema ng paaralan natin, mga members ng isang religous group na nais kang bahagian ng pagmamahal ng Diyos, at siyempre, mga kapwa mo freshman. Bukod dyan, wala na akong iba pang kilala. Minsan, lumalapit sila sa mga taong mag-isa o pumapasok sila sa klaseng walang guro. Sinabi ko wag kang matakot, pero hindi ko sinabing wag kang mag-ingat.

Ang very very nice na ingay sa tapat ng A.R.O (Administration Registrar’s Office, di ko na matandaan kung tama ba to). Sila po yung mga aktibista ng ating paaralan. Ngayon, nandun ang mga dating janitors na nagrereklamo sa administrasyon ng paaralan natin. Hayaan nalang sila. May karapatan din sila sa paaralan na iyon. Pagpasensyahan mo nalang din kung maiistorbo ka nila sa pagbabasa mo ng libro o kung anuman. Kung hindi ka sanay sa ingay, pwes sanayin mo na ang sarili mo ngayon palang.

Laging gutom? Laging uhaw? Alam ko maraming ganitong studyante saan mang paaralan. Sa mga bagong PUPians, marami po tayong canteen. Nasa ground floor (North wing at sa West wing ata, meron din sa south wing). Ah basta, sa buong ground floor, nandun ang bonggang tindahan ng pagkain. Meron din pala banda sa 4th floor. At dahil PUP yun, bonggang low price ang bilihin. May tinatawag kaming ATM (Automatic Tubig Machine), piso lang, solb na ang uhaw mo. Nakakalat yan sa buong campus. At kung nasa 6TH Floor ka, wag ka pa ring  mag-alala. Merong mga ale na naglalako sa bawat rooms. Kaya okay lang kahit hindi ka na bumaba.

Pag bored at mahaba ang break. Subukan mong maglibot sa buong school. Ifamiliarize mo na ang bawat rooms na papasukan mo. Yung location ng clinic kung sakaling may maramdaman kang hindi maganda sa sarili mo. Ang bawat C.R. sa bawat floors (haha, para lang alam mo kung saan tatakbo pag bigla kang tinatawag ng kalikasan). Ang library. Ang offices ng magiging Profs mo. Wag ka mag-alala, sa dami ng nakadikit sa malayang paskilan sa iba’t ibang floors, palagay ko mababawasan ang boredom mo. Madami ring doodles, conversations, drawings, posters pati mga pick up lines sa pader, sa arm chairs, sa kalsada. Halos saan ka tumingin, may mababasa ka. Yung iba, benta talaga. Masarap din manuod ng basketball game sa Gym/open court o lawn tennis sa open court. Meron din nagfi-frisbee at baseball sa Oval ng PUP. So ayun.

Ayun. Sana makatulong to sa mga bloggers na freshy ng PUP STA.MESA. BOW. WELCOME PO SA LAHAT NG MGA BAGONG ISKOLAR NG BAYAN!

ragdee06:

Graduation is not an end, it’s the beginning… CONGRATULATIONS BATCH 2012 … “GAGAMITIN ANG KARUNUNGAN, MULA SA’YO PARA SA BAYAN” 🎓🎓🎓 #graduation #PUPian #politicaleconomy #THANKYOULORD (Taken with instagram)
spacejam07:

BSIOP 4-1 pride. #cumlaude #PUPian (Taken with instagram)
Congratulations po sa Batch 2011-2012 na ga-Graduate bukas! Mabuhay po kayo!
Isa na kong Iskolar ng Bayan

graciepot:

Si Ms. Rochelle ang nag interview sakin. Bata pa siya saka hindi mukhang masungit kaya mapalad ako. Marami kaming napag usapan… Bakit ko napili yung course ko imbes na Tourism, yung family background ko saka random things. English ang mga tanong te! Kaya expected na english din ang sagot. Pagkatapos kong magsalita.

Ms. Rochelle: Hmm, are you a Journalist in your school?

Ako: *Shocked* Huh! No ma’am!

Ms. Rochelle: Ahh… But you are very fluent in speaking english huh!

Ako: *Poker Face pero deep inside natuwa*

Hahaha. Sobrang na-flatter ako. Hanggang ngayon nga e di ako maka move on. Siguro nga tama sila na… Di lang ako bilib sa sarili ko. Mababait rin ang tao sa PUP, approachable saka pang masa talaga! Meron narin akong nakadaupang palad, mga ka-course ko pa! Kinakabahan lang ako sa araw araw kong pagco-commute ng mag isa, baka ma-late at hindi ko kayanin sa sobrang layo. Wala pa man pero ang hirap na e! Sana kayanin ko. Kakayanin ko talaga!

mgapinion:

Excited na akong mag-third year! Ang ganda ng mga major subjects namin next semester. Mas natuwa ako kasi mas mapapalawak ko na ang kaalaman ko sa theater at poetry. Hindi ko alam kung paano magrereact dahil magsisimula na kami sa pagtuturo at pagtatrabaho sa mga television networks. OJT here I come!
I just don’t like Math especially Statistics. Yeheecheese :D
ninjatetel asked:
May ganito pala. \m/. Dati puro search lang ako ng posts na naka tag as "PUP" eh kaso puro tuta yung lumalabas. Ngayon di na ko mahihirapan. Hahaha. =)))
Finally enrolled na ako.

magandangninja:

Daig ko pa yung nag quest sa Ran Online.

Lakad dito, lakad doon. Pila dito, pila doon. Pila Ulit Pila.

Bale naging 2 days yung enrollment. Kasi kinabukasan pa makikita yung result. Hahaha. Nakakatanga yung x-ray eh. First time ko kasi. Wala sa bundok namin nun.

Pag mga ganung sitwasyon pala, lahat nagiging instant kaibigan. Hahaha. Kahit ‘di ko alam mga pangalan nila, chika chika kame. Bawal maginarte, boring sa pila. Hirap ng walang kausap. Simula sa tanong na “Anong course mo? :)”. Hahaha. 

At nabigyan ako ng chance sa BS PSY. Kailangan kasi, 83 average sa math. Eh sobrang talino ko sa math eh. 80 80 80 80 grade ko dun. <////3. Hahaha. Sarcasm.

Ayun, na-e-excite na ako pumasok. Sino ba hindi? Hahaha. Woohoo. College na ako! :”“”“>.

imaheartkeeper:

I’M A PROUD PUPIAN!